Monday, January 24, 2011

Si Anabella by: M.Jalandoni

“SI ANABELLA” ni Magdalena
Jalandoni
Rosario Lucero
Unang inilathala ang maikling kuwentong “Si Anabella” ni
Magdalena Jalandoni sa libro ni Corazon Villareal,
Translating the Sugilanon  (1994, 135-141). Kalakip ang
orihinal nito sa isang lupon ng mga makiniladyong maikling kuwento
ni Jalandoni, na pinamagatang Hinugpong nga mga Sugilanon 1936-
1938.  Nailathala din ang saling Filipino ni Villareal sa nirebisang
edisyon ng antolohiyang Philippine Literature: A History and
Anthology (1997, 151-154) ni Bienvenido Lumbera.
Sa unang pagsipat ng kuwentong “Si Anabella,” ating iisiping
taglay nito ang pormula ng mga romantikong kuwentong laganap
noong panahong ito’y nasulat, sa pagitan ng mga taong 1936-1938.
Magsisimula ang melodramatikong banghay sa pag-iibigan ng
dalawang magkaiba ng estado sa buhay, hahadlangan ito ng palalong
ina ng mayaman, susubukin ang katapatan ng magkasintahan, aangat
ang estado ng mahirap sa di inaasahang paraan upang sa wakas ay
magsasama uli sila, at magtatagumpay ang kanilang wagas na pag-
ibig.
Sa pagbubuod ni Villareal sa banghay ng kuwento, may
naidagdag siyang ilang detalyeng hindi binabanggit sa kuwento.
Halimbawa, na sumayaw ang magkasintahan sa tahanan ng binata,
at kinainggitan sila ng lahat; na nagsanib ang liwanag ng buwan at
ningning ng bituin sa loob ng isang gabi (1994, 13; aking salin mula
sa Ingles):
4748
“Si Anabella”
Isang pagunitang paglalakbay sa panahon ng dekada
treinta ang kuwentong “Si Anabella.” Isang gabing
maliwanag ang buwan at mga bituin, hinarana ng
binata ang dilag ng kaniyang biyolin. Sa himig ng
isang buong orkestra, sumayaw sila sa malawak na
sala ng malapalasyong tahanan ng binata. Nguni’t
ang binata’y mayaman, at inilayo siya ng kaniyang
ina sa kaniyang pinupusuan. Subalit buong tiyagang
naghintay si Anabella sa pagbabalik nito, at sa wakas
sila ay muling nagsama. (“Anabella” is a nostalgic
trip to the ‘30s. The beau serenades his love with a
violin on a moonlit and starry night, they dance in
the spacious sala of his palatial home to the strains
of a full orchestra, they are the envy of everyone
on the dancefloor. But he is rich and his mother
takes him away from his lover. Anabella, however,
waits patiently for his return and eventually they
are reunited.)
Kung magpatianod ang isang mambabasa sa romantikong
tradisyon, maaari ngang aakalin niyang may taglay itong mga
romantikong sangkap na sa katunayan ay hindi naman makikita sa
kuwento mismo. Hindi naman lubhang mali ang ganitong paraan
ng pagbasa kung ipinapalagay na ang kuwentong “Si Anabella” ay
akmang halimbawa ng isang makaluma’t romantikong kuwento.
Dagdag pa ni Villareal bilang komentaryo sa kuwento (1994, 13):
Maaaring sabihing pinapatibay ng “Si Anabella” ang
puna ng mga manunuri hinggil sa kahinaan ng
panitikang bernakular sa Pilipinas: na ito’y dulot
ng “malagkit na romantisismo,” “walang kaingatan
sa teknik,” pagkabuhaghag ng estruktura,
“didaktisismo,” at “sentimentalismo.”  (In a way,
“Anabella” confirms what critics have listed as the
weaknesses of vernacular literature in the
Philippines: “a cloying romanticism,”)

2 comments:

  1. "Love is patience"..
    as long as you love one person,you would have to wait until you both have the right time for each other.. and that's what you call love..:)
    And that's what happened to Anabella and His love..and also, "If you love someone,you should fight for him/her"..

    ReplyDelete
  2. ♥PATIENCE is not the ability to wait. but the ability to keep a good attitude while waiting.♥

    and .. "True love is worth waiting"..:)

    ReplyDelete