Isang Dipang Langit
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
katawang marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ang bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahi't buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may suat,
watawat ng aking pagkakapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa puntong may susi'y walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo'y tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalansing;
sa maputlang araw saglit ibibilad
sanlibong aninong inuluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
sa hudyat—may takas!—at asod ng punlo;
kung minsa'y tumatangis ang lumang batingaw
sa bitayang muog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon—
bilanggunang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.
Ngunit yaring diwa'y walng takot-hirap
at batitis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang ganganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandigang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!
NOT ALL THE PRISONERS ARE CRIMINALS.
ReplyDeleteSome of them are inocent people and had nothing to do with such crimes.Sometimes the criminals is those who are outside of the jail.Those who are freely to do bad things.Because they are not told on do's and don'ts. Still the laws are everywhere.
JUSTICE IS BLIND.
ReplyDeleteSometimes it is not fair.Why? Do they know how it feels to be convicted?
No!
The person here in the poem dies inside the jail, not only, but also dying inside his feelings,his mind and soul on extending a long point of time being a prisoner.He felt sorrow .