May bagyo ma,t, may rilim
ang ola,y, titiguisin
aco,y, magpipilit din:
aquing paglalacabayin
toloyin cong hanapin
Dios na ama namin.Cun di man magupiling
tocsong mabaomabaoin,
aco,y, mangangahas din:
itong libro,y, basahin,
at dito co hahangoin
aquing sasandatahin.Cun dati mang nabulag
aco,y, pasasalamat,
na ito ang liuanag
Dios ang nagpahayag
sa Padreng nagsiualat
nitong mabuting sulat.Naguiua ma,t, nabagbag
daloyong matataas,
aco,y, magsusumicad
babagohin ang lacas;
dito rin hahaguilap
timbulang icaligtas.Cun lompo na,t, cun pilay
anong di icahacbang
naito ang aacay
magtuturo nang daan:
toncod ay inilaan
sucat pagcatibayan.
Monday, January 24, 2011
MAY BAGYO MA'T MAY RILIM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
May bagyo ma't may rilim --As the storm rages and darkness reigns
ReplyDeleteang ola'y titigisin --I will strain my childish cries
ako'y magpipilit din: --I will struggle on
aking paglalakbayin --I shall set out on a journey
tuluyin kong hanapin, --in order to search for
Bayan na Ina natin. Our Motherland.
Unang dapat pagpakuan ng sipat ang pangalan ng unang limbag ng makatang Filipino: “Fernando Bagongbanta.” Isa itong pangalang binyagan at may tatak ng dalawang nagtagpong kultura sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Ang unang ngalan ay hiram at maaaring isinunod sa bantog na hari ng Espanya; ang apelyido’y katutubo at may pahiwatig na mapangahas.
ReplyDeleteSa loob ng aklat ni San Jose ay nalimbag din ang isang tula (nasa mp. 451-452 ng edisyong 1935) na sinulat diumano ng isang di-kilalang Tagalog (una persona tagala). Binubuo ang tula ng limang saknong at bawat saknong ay may anim na taludtod na may sukat na pipituhin at tugmang isahan. Ang tulang iyon ay MAY BAGYO MA'T MAY RILIM.
Sa ganito, higit na malinaw ang panukalang hambingan para sa silbi ng libro ni San Jose. Ikinumpara ang pagbasa sa aklat sa isang paglalakbay sa gitna ng mga panganib — may bagyo’t may dilim, nagkalat ang tukso, madaluyong ang alon — kaya’t kailangan ang aklat bilang “sandata,” “liwanag,” “timbulan,” at “tungkod.” Sabi nga sa isang akdang panrelihiyon, at mula sa Bibliya: “maliuag cang mapasoc sa langit, at marali pa ang anuang sa butas ng kayayom” (na ang ibig sabihin, mahirap makapasok sa langit at madali pa ang pagpasok ng kalabaw sa butas ng karayom).
Kapag binalikan ang tinig sa akda ni Bagongbanta, mauulinigan ang kirot at hapdi sa bihag na kamalayan.
Sa loob ng aparato ng pagsampalataya, ang tinig ay nagmumula sa saray na pang-ibaba at sakop. Gayunman, masigasig itong ibukod ang sarili bilang isang natatanging sakop, bilang “binyagan” at tumanggap ng “liwanag” na dapat ihiwalay sa nakararaming di-binyagan at nasa “dilim.” Gumagawa samakatwid ito ng bagong saray sa pagitan ng tagapamagitan (mga dayuhang pari at pinuno ng gobyerno) at ng mga sakop (“mga capoua Tagalog”) at may uring deboto at disipulo, isang pribilehiyadong tinig na maaaring tagapagpauna ng mga lunggati at posisyon ng maginoo’t principales sa lipunang kolonyal noon sa Pilipinas.
Behind those dark sides, there lies the brightness, the light, the hope..
ReplyDeleteEvery problem has a solution.. And giving up is not a solution, it is finding a way and fighting hindrances with faith .
Despite of the dark side of our life , there comes the bright side and that bright side is God. Eventhough we face sacrifices in life, we still take second chances to take back what we have lost. And also if we believe in ourselves, we would not give up and no matter what happens ,as long as love God is in our mind and in our hearts we could be more stronger and have much faith in God.
ReplyDelete